INIWAN SA ERE
Naghimutok ang dalawa sa 12 overseas Filipino workers (OFWs) na dinakip noong nakaraang Biyernes bunsod ng pagdalo sa idinaos na Katolikong misa sa Saudi Arabia dahil tumanggi diumano ang Philippine Embassy na pirmahan ang kafala, o written guarantee para sila’y mapalaya.
Magugunita na ang 12 OFWs ay dinakip ng mga tauhan ng Commission for Promotion of Virtue and Prevention of Vice at dinala sa police station sa Rawdah district.
“There were assurances that the Philippine Embassy would sign a kafala for us, but it never came,” paghahayag ng isa sa dalawang OFWs na nagtatrabaho bilang engineer sa isang local company sa Saudi.
Napilitan na lamang umano silang umasa kani-kanilang employer para mapalaya at bandang alas-tres ng madaling-araw noong Sabado, Oktubre 2 ay ibinalik na ng pulisya ang kanilang iqama (resident/work permit).Ayon pa sa Pinoy engineer, Sabado na ng hapon siya pinalaya habang ang kababayan niyang doktor na kasama rin sa nahuli ay pinakawalan na kinagabihan.
“The embassy’s refusal to sign a kafala for us is not a good sign for OFWs. It means that we cannot depend on our embassy for total help and protection if needed,” ayon pa sa Pinoy engineer. source:abante
No comments:
Post a Comment