Pages

Monday, October 4, 2010

Walang Pinoy na nasawi

Walang Pinoy na nasawi o nasaktan  sa lindol na yumanig sa Joetsu region sa Niigata Prefecture sa Japan nitong Linggo ng umaga, Oktubre 3,  ayon sa ipinarating na impormas­yon ng Philippine Em­bassy sa Tokyo sa Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon.
“According to Japanese civil authorities in charge of foreign nationals, no Filipino national was reported killed or injured in the quake,” pahayag ng RP Embassy.
Hindi rin umano naglabas ng anumang tsunami warning ang Japanese civil authorities sa mga baybayin ng mga naapektuhang rehiyon.
Gayunpaman, nanatiling nakaalerto ang kinauukulan para sa mga aftershock.
Naitala ang lakas ng lindol sa 4.7 magnitude sa Richter scale at yumanig bandang alas-9:26 ng umaga (Japan time). source: abante

No comments:

Post a Comment